The UPLB Journal, Vol 6, No 1 (2008)

Font Size:  Small  Medium  Large

Ang Lawa ng Bai noong ika-19 na Dantaon: Mula sa mga Piling Pagtatala

Dwight David A. Diestro

Abstract


Hinalaw ang mga datos hinggil sa kalagayan ng Lawa ng Bai mula sa mga nailimbag na primaryang batis noong panahon ng Espanyol at unang bahagi ng pananakop ng mga Amerikano. Ang mga sanaysay kasama ang kina Rizal, Mallat, Gironiere, Jagor, de Man at Le Roy ang pinagkunan ng mga pagsasalarawan. Tinatalakay ng papel ang Lawa ng Bai ayon sa mga sumusunod na paksa: si Jose Rizal at ang lawa, pisikal na anyo nito, transportasyon at kalakal at ang mga salaysay ng ilang mga banyagang manlalakbay. Ang isang bahagi ng kapaligiran ay may kasaysayan at ito ay nakabatay sa mga ulat ng mga nakasaksi. Pinahalagahan ang lawa sa pamamagitan ng pagkilala dito bilang bahagi ng kanilang mga buhay. Ayon sa kanila, mayaman ang lawa sa iba’t ibang uri ng halaman at hayop. Ang tanawin dito ay kapuripuri. Nasa mahalagang bahagi ng Kapuluan ang lawa kung kaya ito ay lantad ang pakikisangkot sa daloy ng kasaysayang Pilipino noong ika-19 na dantaon.

Full Text: EXCERPT

If you wish to have the full texts of the articles of or submit articles to the UPLB Journal, please contact The Editor.