Pagsilip sa Imahe ng Babae sa Ilang Kasaysayang Awit
Abstract
Ang kasaysayan ay mayaman sa batis, ngunit ang kakulangan ng maraming historyador ay ang hindi paggamit ng ilang di-tradisyonal na sanggunian, isa na dito ay ang mga epiko o kasaysayang awit. Ipinapalagay ng maraming positibistang historyador na ang mga epiko ay hindi pamamaraang maaaring pumasa sa siyentipikong pangangatuwiran, ngunit sa kasalukuyang panahon, mainam na batis ng sinaunang kasaysayang Pilipino ang mga epiko ng ating bayan. Dapat itong dalumatin upang magkaroon tayo ng pagtataya kung ano ang galaw ng lipunang Pilipino bago ang pananakop.
Samantalang mahalagang basahin ang mga epiko upang magkaroon tayo ng larawan ng ating kasaysayan bago pa ang pagdating ng mga dayuhan (hanggang sa unang bahagi ng kanilang pananakop), mainam ding tingnan, kasabay nito ang papel na ginampanan ng mga babae sa epiko. Bayani ba silang maituturing, tulad ng imahe ng maraming kalalakihan o inilalarawang masama?
Bilang pagtugon sa dalawang salaming nabanggit, sisilipin ng papel na ito ang ilang mga piling epiko mula sa mata ng kababaihan, upang makita natin at mailahad kung anu-ano ba ang tungkulin at larawang ipinipinta ng mga epikong Pilipino sa kanyang kababaihan, sa ganun magkaroon tayo ng larawan ukol sa kababaihang Pilipino noong panahon bago ang pananakop.
Full Text: EXCERPT
If you wish to have the full texts of the articles of or submit articles to the UPLB Journal, please contact The Editor.