The UPLB Journal, Vol 6, No 1 (2008)

Font Size:  Small  Medium  Large

Ang Panimulang Paghahahanap sa Anacbanua sa Pagbasa ng Panitikang Folk/Bayan ng Pangasinan

Reagan R. Maiquez

Abstract


Ang mga pag-aaral fokloriko nina Perla Samson Nelmida at Lydia Ico sa panitikang oral ng Pangasinan ay mga mahalagang saliksikin. Sa kanilang panimulang pangangalap at pagbasa ng mga Panitikang folk/bayan ng Pangasinan mapagtatanto ang ilang makitid na pagtingin sa konseptong folk upang bigyang kahulugan ang katutubo, ang ideyal, at kultural na aspekto ng Pangasinan (tao, bayan, wika, at kultura). Ang bagay na ito’y may paliwanag naman, dahil sa mga naunang paggamit ng Makakanluraning “folk literature” bilang lapit o approach sa Pilipinolohiya (Philippine Studies) ay kakikitaan ng perspektibang kanluraning etnograpiya (Western Ethnography) na nakatuon sa pangongolekta at taxonomiya ng mga datos upang mabuo ang isang kultural na estruktura na maaaring hindi lapat sa lokal na konteksto ng isang pinag-aaralang subject. Sa kabilang banda, ang papel na ito ay paghawan tungkol sa ilang mahalagang konseptong folk/bayan kaugnay ang pagkakabuo ng Caboloan, bilang isang pook/espasiyo na nagbunsod sa panlipunang produksiyon sa mga panahong binubuo ang probinsiyang ito, batay sa rekonstruksiyong pampanitikan na natipon naman nina Nelmida at Ico. Higit naman ditong paiigtingin ang ilang panukala ukol sa panitikan ng/sa Pangasinan bilang mga inferens at problematikong kultural sa pagpapananaw sa posibleng ugnayan ng pook/heyograpiya sa pagbuo ng kultura at identidad. Gagamitin dito ang konseptuwalisasiyon ng anacbanua (anak ng lupa/bayan/araw) upang maitampok ang ilang kritikal na lagom ng pag-aaral folk bilang panimulang pag-aaral upang maisiwalat ang maaaring ambag ng Panitikang Pangasinan sa antas rehiyon tungo sa Amianan at Pambansa.

Full Text: EXCERPT

If you wish to have the full texts of the articles of or submit articles to the UPLB Journal, please contact The Editor.